Problema

Ang Tagalog Spoken Word Poetry na pinamagatang “Problema” ay sinulat ni Gil Guinto Gregorio. Ito ay unang nailathala sa Facebook.com.

Magbasa ng iba pang Spoken Poetry Tagalog tungkol sa Guro | Hugot | Inspirasyon | Kabiguan | Minamahal | Pag-asa | Pag-ibig | Paglalakbay | Pagluluksa | Pagsubok | Pighati | Sarili | Bansa | Buhay | Kaibigan | Kalusugan | Maiksi | Pamilya | Pandemya | Pangarap | Panlipunan | Pulitika

Problema, ako ay tigilan mo na sana
Ako sana ay lisanin mo na
Bumabagsak na ako at parang di ko na kaya
Ako’y iwan na at hayaang magsaya

Ang hirap mo naman kalabanin
Buong pagkatao ko ay tila bang nililipad nalang ng hangin
Para bang binabaon sa kailaliman ng buhangin
Ako’y patulogin at wag na sanang gisingin

Sa gabi ako’y hindi mo na pinpatulog
Paulit-ulit mo akong pinapaluha at dinudurog
Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na lumikha
Ng mga bagay na matagal ko nang tinatamasa

Ilang beses na kong humiling sa mga tala
Na sana paggising sa umaga, problema ay mawala
Problema, ako’y tigilan mo na sana
Dahil buhay ko ay napapariwara

Di ko na alam kung kakayanin ko pa ba
O di kaya pumikit nalang at sumuko na
Di ko alam kung paano lumaban pa
Sa mga laban na ako’y napapagod na

Sabik na akong makamit
Pero paano kung ika’y problema, sakin kumakapit
Itigil mo na ang subrang sakit
Dahil sawa na ako sa mga oras na puro nalang pait

Paki-usap lang, wag na muna ako
Di ko na alam kung saan ako tutungo
Utak ko ay subrang gulo
Kung lalaban pa ba o dapat ng sumuko

Visited 1 times, 1 visit(s) today

Leave A Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *