Kulang pa ba?

Ang Tagalog Spoken Word Poetry na pinamagatang “Kulang pa ba?” ay sinulat ni Lovelyn Ibañez. Ito ay unang nailathala sa Facebook.com.

Magbasa ng iba pang Spoken Poetry Tagalog tungkol sa Guro | Hugot | Inspirasyon | Kabiguan | Minamahal | Pag-asa | Pag-ibig | Paglalakbay | Pagluluksa | Pagsubok | Pighati | Sarili | Bansa | Buhay | Kaibigan | Kalusugan | Maiksi | Pamilya | Pandemya | Pangarap | Panlipunan | Pulitika

Sa nakakapagod na mundo lahat kinakaya,
Walang bagay na hindi ginagawa upang kayo’y mapasaya.
Lahat ng utos at nais agad sinusunod,
Pagkat hangad ng sarili kayo’y mapalugod.

Maging sa pag-aaral binubuhos lahat ng kakayanan,
Makita lamang na kayo sa aki’y nasisiyahan.
Ni minsan ng nakamit ang akala ko’y magbibigay sa inyo ng ligaya,
Ngunit tila lahat ng iyon para sa inyo’y walang halaga.

Kulang pa ba?
Ang lahat ng aking sakripisyo para lamang kayo’y makitang masaya?
Nananabik sa mga katagang “proud kami sa iyo”,
Ngunit kailanman hindi nahayaang iparinig sa akin ang mga ito.

Hindi pa ba sapat?
Lahat ng mga pagpapagal ko kahit pagod na’y aking katapat.
Ginagawa naman sana ang lahat,
Ngunit bakit sa pagbibigay sa akin ng halaga kayo’y salat.

Tanging minimithi lamang kayo’y matuwa sa akin,
Ngunit ako lang naman pala mag isa ang bumubulong nito sa hangin.
Kabaliktaran ang aking natatanggap puro pait,
Tila mahahalimuyak niyong salita sa aki’y ipinagkait.

Ang tulang ito ay dedikasyon para sa aking kaibigan at para na rin sa mga taong nakakaranas ng ipinapahiwatig ng paksa.Lovelyn Ibañez

Visited 1 times, 1 visit(s) today

Leave A Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *