Kahinaan

Ang Tagalog Spoken Word Poetry na pinamagatang “Kahinaan” ay sinulat ni Joseph Quiña. Ito ay unang nailathala sa Facebook.com.

Magbasa ng iba pang Spoken Poetry Tagalog tungkol sa Guro | Hugot | Inspirasyon | Kabiguan | Minamahal | Pag-asa | Pag-ibig | Paglalakbay | Pagluluksa | Pagsubok | Pighati | Sarili | Bansa | Buhay | Kaibigan | Kalusugan | Maiksi | Pamilya | Pandemya | Pangarap | Panlipunan | Pulitika

Unti unti akong nawawalan ng pakiramdam.
Sa sariling upuan tila’y may pinag mamasdan.
Mga turo ng guro’y hindi na maiintindihan.
Sa bintana’y naka dungaw na para bang walang katapusan.

At dun ko natuklasan ang aking kahinaan.
Nalaman ko na ikaw ang aking pinag mamasdan.
Sa tuwing hindi ko maintidihan ikaw palagi ang aking tanungan.
Ngunit ito ang katapusan na ayaw kong kalimutan.

Visited 1 times, 1 visit(s) today

Leave A Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *